.....

karmi..

sa paglipas ng panahon, napansin kong madami nang nagbago sa akin.. ang dami ko na rin kasing naranasan.. dati mahilig akong magsayaw at kumanta, mahilig din akong gumawa ng tula, maraming pangarap sa buhay, madaming gustong magawa..

kaso biglang may nangyari, di ko inaasahan.. bigla na lang akong napadpad sa isang lugar na bago.. di ko na alam kung anong mangyayari.. araw-araw parang laging kulang, oo nga't maraming pera, kaso di pa rin sapat un.. malungkot ako.. laging nagiisip.. laging naghihintay ng bukas at nangangarap na sana bumalik na ko sa dati kong buhay.. kasama ang mga mahal ko.. pero alam kong matagal pa un..

sa ngayon, nami-miss ko na ung dating ako.. ung makulit, madaldal, laging may inspirasyon.. sana lang makilala ko ulit ung dating ako.. para masaya..

ngayon ko lang naisip, aanhin ang pera kung di naman makagala sa megamall, libis, glorietta at makasama ang mga kaibigan.. useless ito!