RK

Walang pangarap. Walang pera. Walang kwenta. Pero kamukha ni James Reid kaya pinagkakaguluhan at pinagaagawan. Multi awarded writer at medyo sinungaling siya sa part na 'yon.

Kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering at kasalukuyan din siyang walang maintindihan sa mga subjects na inenroll niya. Hindi siya mahilig maglalabas ng bahay sa kadahilanang palagi siyang pinagkakaguluhan ng mga kapitbahay nila.

Kapag hindi niya kapindutan ang kanyang asawang calculator, madalas siyang sumasalisi sa kanyang kalaguyong keyboard. Sumulat ng kung anu-anong kawasakan. Humuhuli ng bawat ideyang palipad lipad lang sa kawalan.

Adbokasiya: Ipangalandakan sa buong mundo ang hatid na karisma ng kanyang kagwapuhan. *Kindat*